Nag iisip

Nag iisip

Saturday, September 18, 2010

Karanasan ko sa probinsya ng Lolo at Lola ko....


Nung bata pa ako naaalala ko sa probinsya ng lola ko. Masarap mamasyal sa paligid, kasi puno ng mga pananim na prutas at maraming malalaking puno. at sariwa ang simoy ng hangin. Tapos may batis pa malapit sa likod bahay kung saan ako at kapatid ko na nakababata naglalaro at naliligo. Malapit sa likod bahay meron mga hayup na alaga tulad ng Kambing, Manok, Pato at Aso. Nakakatuwang tignan ang mga ito habang binibigyan mo sila ng pagkain at naghahabulan pa. 


Naaalala ko rin pag gabi ang tanging libangan namin ay kumanta. Pinsan ko na marunong mag gitara at ako naman kakanta, Dahil sa tahimik ang lugar at tanging huni ng mga kuliglig ang maririnig mo, abot hanggang malayo ang ingay namin sa kakakanta.Tapos sa gabi di na kailangan pa ng Electric Fan dahil pagsapit ng gabi malamig ang simoy ng hangin at nanunuot ang lamig sa gabi. Pag gising sa umaga bandang alas - Singko maririnig mo na ang tilaok ng Manok na nagsasabing gumising na at syempre ang Lolo Ignacio ko sinasabing " Gising na at tanghali na! " ( Eh alas - Singko palang kaya ng Umaga ). Sabay maaamoy mo ang niluluto sa kusina na gamit ay di - kahoy na kalan. Ang ihahain ay Sinangag na kanin, pritong tuyo, itlog , talong ( sawsawan ay bagoong na lingayen na may suka) at ang pang himagas ay prito na saging. Sabay darating ang Lola ko galing sa bukid may dalang gatas ng Kalabaw. 




Sabay sabay kami kumain nuon kasi bilin ng Lolo at Lola dapat ganun palagi. Pagkatapos kumain ligpit at hugas ng mga pinagkainan. Sabay lalabas kami ng Lola ko punta sa ibayo ( kabilang lupa tawid ng batis ) upang tumingin ng mga prutas na pwede ng pitasin tulad ng Papaya, Mangga, Saging, Langka at Guyabano para kainin at ang iba ay ibenta. Naalala ko rin nung bata ako kasama ko Lola ko sa pagspray ng mga bulaklak ng Mangga para mas maraming ibunga ito. Kasama namin nag Spray ng gamot yung pinsan ko. Natatawa ako kasi sa murang gulang ko palang ay kasama na nya ako sa mga ganung bagay at ang mga di ko makakalimutang eksena ay ang nag iigib ako ng tubig para ihalo sa gamot pangpalago ng bulaklak. Hirap na hirap ako mag igib dahil kung saan saan mo pa kukunin ito hehehehe. Pero pagkatapos naman ng lahat ng iyon , isang masarap na pagkain ang nakahanda. Mangga na may kamatis na may bagoong at sili at Century Tuna ( Hehehe ). Naalala ko minsan napagalitan at napalo kami ng Lola ko kasi pagkatapos namin mag spray ng gamot sa bulaklak ay tumakas kami upang maligo sa ilog. Ayun pag uwi, malayo palang tanaw ko na ang pamalo na hawak nya ( hehehe ). Masaya ako sa mga karanasan ko kasi duon ko nakita ang Pamilya namin, ng Lolo at Lola ko na magkakasama namimitas ng bunga ng mangga pag anihan na. Tuwang tuwa dahil napakaraming bunga ( Isipin mo isang jeep na puno ) nagtatawanan, kantyawan at asaran. At isa pang masasabi kong napakagandang nangyari sa buhay ko ay ang matuto ako sa Vulcanizing shop ng Lolo ko, na mag ayos ng gulong at mag Vulcanized ( Wahahaha ). Isipin mo elementary palang ako nuon nung matuto akong humawak ng Maso at magkakalas ng gulong. Masarap na karanasan dahil natuto akong kumita ng pera para sa sarili ko. Gigising sa madaling araw kapag may na flat na gulong at aayusin mo. Mga bus driver na ayaw madumihan at ikaw ang gagawa para sa kanila extra charge pa ( wehehehe ). Lolo ko di masyadong masalita pero masasabi kong mahal nya din kaming mga apo nya. Kapag may darating na Ice Drop papabili kami sa kanya ( hehehe ). Tapos pag pupunta ng Bayan, yung pag uwi nya may dalang pasalubong sa mga apo nya lalo na sa kapatid kong babae na napalapit sa kanya. Lola ko na masarap magluto ng kakanin at mga palaman sa tinapay. Lolo ko naman ang nag aasikaso ng mga pananim sa ibayo. Ang tanging masasabi ko lang masaya ako dahil nakasama ko sila at masaya ako dahil marami silang naibahagi sa buhay ko. Kayo ? Ano ang Karanasan ninyo kasama mga Lolo at Lola nyo?







1 comment: